HEALTHY! | Pangulong Duterte, in top shape – ayon kay Secretary Go

Binigyang diin ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na walang katotohanan ang balita na ang pakay ng biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Israel ay para magpagamot ng kanyang malubhang sakit.

Ito naman ay sa harap ng kumakalat na balita na kaya malaki ang pagitan sa mga official schedule ng Pangulo sa Israel ay para magpatingin sa doktor.

Ayon kay Go, nasa Top Condition si Pangulong Duterte at kaya nitong tapusin ang kanyang termino hanggang sa 2022 at mabubuhay pa ito ng matagal pagkatapos ng kanyang termino.


Para naman aniya sa mga taong nagiisip ng masama kay Pangulong Duterte ay Ipagdarasal nalang niya ang mga ito dito sa Jerusalem.

Ngayong araw ay nakatakdang magpulong sina Pangulong Duterte at Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu at mamayang hapon dito sa Israel ay magalay naman ng bulaklak si Pangulong Duterte sa Holocaust Memorial center.

Facebook Comments