Heart Evangelista, bumalik ng China

Balik China si Heart Evangelista para mag-shoot sa kanyang kauna-unahang Hollywood movie.

Sa Instagram post ng aktres, ibinahagi niya ang isang picture ng upuan na may pangalan niya katabi ng actual movie camera.

Nabatid na kasama si Heart sa sequel ng isang action movie na hindi pa pinapangalanan kung saan isasagawa ang premiere night sa Los Angeles.


Todo din ang kanyang preparasyon lalo na sa kanyang katawan para sa kanyang international movie.

Kasabay nito, nagpa-salamat si Heart sa mga sumusuporta sa kanyang international movie, maging ang kanyang pamilya na miss na miss na daw niya agad.

Facebook Comments