Heart Evangelista, ikinuwento ang isang tao na nagbanta at nagkulong sa kanya anim na taon na ang nakakaraan

109

Manila, Philippines – Naglabas ng hinaing ang aktres na si Heart Evangelista laban sa isang hindi pinangalanang personalidad na di umano’y nakaengkwentro at nagbanta sa kanya, anim na taon na ang nakararaan.

Ayon sa 32-year-old Kapuso actress, ang taong ito raw ang dahilan kung bakit mayroon siyang bashers na panay ang paninira sa kanya sa social media.

Kaugnay ito ng pagsagot ni Heart sa isang basher na paulit-ulit siyang tinawag na “baog” kung saan makikita ito sa comments thread ng instagram post ng aktres kahapon.

Hindi din idinetalye ni Heart kung sino at bakit siya pinagbantaan ng hindi pinangalanang personalidad.

Hindi rin malinaw kung bakit pinili niyang manahimik tungkol sa insidenteng pagkulong sa kanya nito sa kwarto noon.

Sa huli, nag-iwan ng mensahe si Heart sa kanyang solid supporters na iwasang makipag-away at gumamit ng masasamang salita sa social media.

Facebook Comments