Heart Evangelista, inaming single na daw ngayon si Lovi Poe

281

Manila, Philippines – Tila inamin ngayon ng aktres na si Heart Evangelista na hiwalay na sa kaniyang karelasyon ang bestfriend na si Lovi Poe.

Say ni Heart, iba daw talaga ang kaniyang BFF pagdating sa aspeto ng takbo nito sa buhay kung saan ilang linggo na din napabalitang break na nga si Lovi sa French boyfriend nito na si Chris Johnson.


Dagdag pa ni Heart, hindi rin daw niya kayang impluwensiyahan si Lovi pagdating sa usapin ng sari-sarili nilang lovelife lalo na at nirerespeto nila ang isa’t-isa.

Sa huli, no comment muna si Heart kung ano talaga ang tunay na estado ng lovelife ni Lovi basta at alam daw niya na masaya ang BFF niya sa ngayon.

Facebook Comments

From Advertisers