Heart Evangelista, makikipag-collaborate sa isang visual artist at Incubus frontman para sa isang “art project”

28

Ibinahagi ng aktres at fashion icon na si Heart Evangelista ang pakikipagtulungan niya sa isang Incubus frontman na si Brandon Boyd para sa isang “art project”.

Maliban sa pagiging singer at songwriter, isa ring visual artist si Brandon kung saan ilan sa mga tanyag nitong obra ay ang; “Épines Rouges Deux” (red thorns 2) at ang “Épines Rouges” (red thorns).


Sa Twitter page ni Heart, ipinost nito ang isang larawan na may caption na “Morning meetings with Jen, pietro” at may #brandonboyed.

Matatandaang 2019, nang unang ma-feature si Heart sa February issue ng US magazine na Harper’s Bazaar at lumabas din siya sa Harper’s Bazaar’s na “These are the Real Crazy Rich Asians” kung saan ipinakita ang mga obra niya nang magsimula siyang magpinta ng mga bag.

Facebook Comments