Heart Evangelista, muntik nang maaksidente at lumusot sa truck

74

Muntik na raw nasagasaan ng truck ang aktres na si Heart Evangelista dahil sa pagliligtas sa isa sa kanyang alagang aso.

Kwento ni Heart, bumibiyahe siya noong Miyerkules nang hapon kasama ang ateng si Camille Ongpauco, ang kanyang hairstylist, ilang kaibigan at ang aspin niyang si Cheche nang huminto ang kanilang sasakyan at pagbukas ng pinto ay bigla itong lumabas.


Kahit mukha raw siyang tanga dahil pusturang-pustura siya at naka high heels ay hinabol daw niya ang alagang aso sa kalsada kung saan muntik na siyang lumusot sa truck.

Buti na lang daw at isang lalaking motorista ang tumulong sa kanila para makorner ang aspin.

Kasabay ng pasasalamat sa motoristang tumulong sa kanila, umaasa si Heart na hindi raw sana malaman ng asawang si Sorsogon Governor Francis ‘Chiz’ Escudero ang insidente dahil tiyak na mapapagalitan siya nito.

Madalas ding tampok sa kanyang Instagram posts ang mga alaga niyang asong sina Panda, Yogi at Cheche.




Facebook Comments