Heart Evangelista, napabilang sa Top 10 Most Fashionable Influencers ng sikat na American Business Magazine

51

Napabilang ang aktres na si Heart Evangelista sa Top 10 Most Fashionable Influencers sa buong mundo na ginawa ng sikat na American Business Magazine na Forbes.

Kasama ni Heart sa listahan ang sikat na Italian entrepreneur at influencer na si Chiara Ferragni at ang German fashion blogger at model na si Caroline Daur.


Sa instagram post ng aktres, ibinahagi nito ang screenshot ng listahan at nagpasalamat sa Forbes France dahil sa pagkilala ng mga ito sa kaniya.

Labis naman ang kasiyahang nararamdaman ng aktres na nakataggap ng maraming papuri mula sa kaniyang mga fans hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na sa abroad.

Facebook Comments