Heart Evangelista, sinagot na ang mga isyung kumakalat kaugnay sa kaniya

175

Sumagot na ang actress at influencer na si Heart Evangelista sa mga kumakalat na isyu kaugnay sa kaniya.

Ilan sa mga rumor na ito ay ang maaga niyang pagbubuntis, paninigarilyo at hindi pagiging magaling sa English.


Depensa ni Heart sa isyu ng maagang pagbubuntis, isang beses lang siyang nabuntis at iyon ay kambal pa.

Habang may mga pagkakataon din aniyang naninigarilyo siya pero hindi maituturing na chainsmoker at inihinto na rin niya ito.

Sa hindi naman pagiging magaling sa English, sinabi ng aktres na mas mabuti pang bad grammar kaysa bad pronounciation dahil maituturing aniya itong normal.

Ang kasagutang ito ni Heart ay No.6 trending sa YouTube kung saan umabot na sa mahigit 600,000 ang views.




Facebook Comments