Matatandaan na nito lamang ika-3 ng Marso nang nanguna ang Dagupan City sa nakapagtala ng pinakamataas na heat index sa buong bansa na umabot sa 42 °C, habang naglaro hanggang 42 °C din ang nakaraang 2-day heat index forecast.
Pasok ang mga ito sa extreme caution at danger category kung saan nakaayon ang klasipikasyon sa bawat pagkakatala ng init na nararamdaman ng katawan.
CAUTION = 27 – 32°C
EXTREME CAUTION = 32 – 41°C
DANGER = 41 – 54°C
EXTREME DANGER = OVER 54°C
Kaugnay nito, nagpaalala naman ang Department of Health Region 1 sa mga residente ukol sa mga kinakailangang gawin upang maiwasan ang banta ng mga heat-related illnesses tulad ng heat cramps, heat exhaustion at heat stroke.
Ayon kay DOH Secretary Ted Herbosa, pinakaimportante ang pag-inom ng tubig upang maiwasan ang dehydration. Paalala rin ng awtoridad ang pagdadala ng payong at pagsusuot ng light clothing.
Samantala, nagbahagi rin ang ahensya ng kaalaman sakaling makaranas ng sintomas ng mga heat-related illnesses at kung paano ito matugunan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨