HEAT WAVE | 30, patay sa heat wave sa Japan

Japan – Umabot na sa tatlompu ang patay sa heat wave sa Japan.

Nabatid na umaabot sa 40.7 degrees celcius ang temperatura sa central Japan kung saan mahigit 100,000 na ang nao-ospital dahil sa sobrang init ng temperatura.

Ayon naman sa rescuers sa Tokyo, hindi bababa sa 3,000 mga emergency calls ang kanilang natatanggap kada araw para magpa-rescue.


Patuloy naman ang paalala ng mga otoridad sa kanilang mga mamamayan ng ibayong pag-iingat.

Facebook Comments