Heaven Peralejo, nag-trending sa social media dahil sa maling caption ng post

371

Nagtrending sa social media ang post ni Heaven Peralejo na isang litrato kung saan suot-suot niya ang isang puting dress at may dalang champagne glass.

Naka-caption kasi sa post ang “22 rotations around the sun and cheers to more” na pinalagan ng maraming netizens.

Ayon sa mga netizens, imbes na sa rotation ay revolution dapat ang isulat nito.


Agad naman itong binago ng aktres at nagsabi pa na ‘thank you for the science lesson guys!’

Maliban sa mga natutunan at grasya na dumating sa kanyang buhay, pinasalamatan din ni Heaven sa mga taong tumulong sa kanya.

Sa ngayon, malaking palaisipan para sa mga netizens ang tunay na estado ng relasyon nina Heaven at Kimpoy Feliciano kasunod nang posts sa social media na magkahawak ang kanilang kamay habang sinasalubong ang alon.



Naging maingay ang pangalan ng dalawa matapos depensahan ni Kimpoy si Heaven sa mga bashers dahil sa isang litrato na kumalat kung saan makikita silang naliligo sa isang ilog.

Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon sa dalawa kung ano ang tunay na estado ng kanilang relasyon.


Facebook Comments