Heaven Peralejo, nagsalita na kaugnay sa umano’y ₱100,000 ayuda mula sa pamilya Pacquiao

Itinanggi ng aktres na si Heaven Peralejo na nanghingi siya ng ₱100,000 mula sa pamilya ng ex-boyfriend na si Jimuel Pacquiao.

Say ni Heaven, kahit kailan ay hindi siya nanghiram o nanghingi ng pera sa ibang tao at proud siyang lahat ng mayroon siya ngayon ay dahil sa kaniyang pagod at sakripisyo sa pagta-trabaho.

Pinasalamatan naman ng aktres ang kaniyang ex-boyfriend at ang buong pamilya nito sa ginawang pagdepensa sa kaniya sa kabila ng mga maling paratang.


Una nang lumutang ang issue dahil sa blind item post ng columnist at talent manager na si Lolit Solis sa kaniyang Instagram account hinggil sa aktres na nanghingi ng ₱100,000 bilang ayuda mula sa pamilya Pacquiao.

Facebook Comments