Heightened police visibility, mananatili ngayong unang linggo ng pasukan

Mananatiling nakaantabay ang mga pulis sa iba’t ibang paaralan sa buong bansa ngayong unang linggo ng pasukan.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III, layunin ng heightened police visibility na tiyaking ligtas at maayos ang pagpasok ng mga estudyante at agad na rumesponde sa anumang banta sa kanilang seguridad.

Kasunod ito ng mapayapang pagbabalik-eskwela ng milyon-milyong mag-aaral noong Lunes, June 16, 2025.

Sinabi ni Torre na naging matagumpay ang unang araw ng klase dahil sa mahigpit nilang koordinasyon sa Department of Education, mga lokal na pamahalaan, at iba pang ahensya ng gobyerno.

Hinikayat din ng pulisya ang publiko na maging alerto at agad na i-report ang anumang kahina-hinalang kilos o aktibidad sa 911 emergency hotline.

Facebook Comments