Helper sa Cauayan City, Isabela, Inaresto dahil sa Kasong Attempted Homicide!

*Cauayan City, Isabela- *Timbog ang isang helper na may kinakaharap na kasong Attempted Homicide matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito kaninang 12:30 ng tanghali sa brgy San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Leo Rosquero, 21 anyos, binata, helper at residente ng nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto si Rosquero ng mga kasapi ng PNP Cauayan City sa bisa ng madamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Mary Jane Socan Soriano ng MTCC Cauayan City, Isabela dahil sa kasong Attempted Homicide.


Dinala na sa PNP Cauayan City si Rosquero para sa kaukulang dokumentasyon at siya ay pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng tatlumpu’t anim na libong piso (36,000.00.)

Facebook Comments