Hepe ng Makati City Police, tinanggal na sa puwesto ni NCRPO Chief Albayalde kaugnay sa extortion case ng apat na pulis Makati

243

Manila, Philippines – Tinanggal na sa puwesto ni NCRPO Chief Oscar Albayalde ang hepe ng Makati City Police na si Sr. Supt. Dionisio Bartolome.

Ito ay matapos na maaresto ang apat na tauhan ng Makati Police na nasangkot sa pangongotong sa magkasintahan sa Parañaque City.


Ayon kay Chief Supt. Rene Aspera, head ng PNP personnel and records management, ang administrative relieve ay dahil sa pagkakabigo nilang madiskubre ang mga iligal na aktibidad sa kanilang hanay.

Bukod sa hepe ng Makati PNP, sinibak din si Makati Police Intelligence Head, Chief Inspector Oscar Pagulayan.

DZXL558

Facebook Comments