Hepe ng Mallig Isabela,Binaril-Patay!

Mallig, Isabela – Patay ang hepe ng Mallig Police Station matapos barilin kagabi pasado alas onse sa Barangay Centro 1, Mallig, Isabela!

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Deputy Chief of Police Senior Inspector Saturnino Aggabao na dead on arrival sa isang pagamutan si Police Senior Inspector Michael TubaƱa matapos barilin ng isa sa suspek sa isinagawang drug buy bust operation.

Napuruhan ng tama sa tagiliran ang hepe dahil sa malapitang pagbaril ng suspek gamit ang caliber 45 na baril.


Kasalukuyan parin ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan at SOCO team sa pinangyarihan ng pamamaril.

Facebook Comments