Hepe ng PNP-AVSEGROUP, nagpositibo sa COVID-19

41

Nagpositibo sa COVID -19 ang hepe ng Philippine National Police Aviation Security Group o PNP-AVSEGROUP na si Pol. Brig. Gen. Florencio Ortilla.

Ito ang kinumpirma ni Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force o ASCOTF Commander at Deputy Chief for Administration Pol. Lt. Gen. Guillermo Eleazar.


Aniya, February 2 umupo si Ortilla bilang hepe ng AVSEGROUP na agad na nag-inspeksyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Dumalo rin si Ortilla sa Command Conference sa Clark Pampanga at pag-uwi nito sa Maynila ay nakaranas na ng sintomas ng COVID-19.

Ayon kay Eleazar, kasalukuyang naka-isolate na si Ortilla at sumasailalim sa gamutan habang binubuno ang 14 days quarantine period.

Dahil dito, panawagan ni Eleazar sa hanay ng PNP na mas maging maingat.




Samantala, inihayag pa ni Eleazar na magiging prayoridad sa mga mabibigyang bakuna kontra COVID-19 ang mga miyembro ng PNP na nagpapagamot sa ospital at kasalukuyang naka-quarantine.

Magiging prayoridad din ang mga myembro ng Medical Reserve Force, Reactionary Standby Support Force at mga contact tracer bago ang mga senior members ng PNP.

Facebook Comments