Herd immunity sa Spain, posible sa Agosto

Posibleng makamit na ng Spain ang herd immunity sa kalagitnaan ng Agosto.

Ayon kay Spain Prime Minister Pedro Sanchez, inaasahang two-third ng populasyon o 33 milyon na indibidwal ang mapapakunahan ng COVID-19 vaccine sa kanilang bansa.

Makakatanggap naman ng 13 milyon dose ng Pfizer vaccine ang bansa sa susunod na buwan.


Sa ngayon, uumpisahan na ng Valenciana, Castille and Leon, at Catalonia ang pagbabakuna sa mga edad 40-50 sa kanilang bansa.

Facebook Comments