Herd immunity, target ng pamahalaan sa katapusan ng taon – Duterte

31

Target ng gobyerno na maabot ang herd immunity sa katapusan ng taon o unang bahagi ng 2022.

Sa kanyang final report na inilabas ng Malacañang, nais ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 50 hanggang 70 milyong tao sa bansa.


Iginiit ni Pangulong Duterte na mahalaga sa pagbubukas ng ekonomiya ang epektibo at mabilis na pagpapatupad ng vaccination program.

Tiwala ang pangulo na ang pagpapabilis ng pagbabakuna at pagpapanatili ng mababang COVID-19 case load ay makakatulong para mapalakas ang business at consumer confidence na mahalaga sa pag-ahon ng ekonomiya.

Pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang government partners, kabilang ang mga local government units, pribadong sektor at multilateral partners sa kanilang patuloy na pagsuporta sa vaccination program.

Facebook Comments