Hero Angeles, balik telebisyon matapos ang ilang taong pamamahinga

Manila, Philippines – Balik telebisyon ang aktor na si Hero Angeles matapos ang ilang taong pamamahinga sa showbiz.

Para sa mother’s day, gagampanan ni Hero ang isang transgender na gagawin ang lahat bilang ina sa kanyang anak.

Matatandaang noong Marso 2015, nang sabihin ni Hero na nais niyang magbalik showbiz.


Si Hero ay gumawa ng pangalan sa showbiz matapos siyang manalo sa “Star Circle Quest” noong 2004.

Kinilala din ang naging tambalan nila Sandara Park.

Facebook Comments