Hero Angeles, may kumento sa posibleng balik-tambalan ng ‘hero-san’

427

Manila, Philippines – Sinagot ng nagbabalik-telebisyon na aktor na si Hero Angeles ang posibilidad ng muling tambalan nila ng dating ka-loveteam na si Sandara Park.

Ito ay matapos ang timing na pagbabalik-telebisyon ng aktor dahil halos kasabay nito ang muling pagsabak sa pelikula ng Korean star.


Sa isang panayam kay Hero, natatawa naman nitong sinabi na basta trabaho ay okay siya dito.

Muling nasulyapan ang pag-arte ni Hero sa challenging role nito bilang transgender mom sa isang palabas kagabi.

Agad naman itong nag-trending sa social media lalo na sa mga dating fans ng aktor na hinihintay ang kanyang muling pagbabalik.

DZXL558




Facebook Comments