Hero Surfer na si Roger Casugay, kinilala bilang ‘Fair Play Athlete’

Kinilala bilang “Fair Play Athlete” ang Filipino Hero Surfer na si Roger Casugay sa Closing Ceremony ng 30th Southeast Asian Games.

Ipinakita ni Casugay ang kabayanihan matapos unahing iligtas ang Indonesian Surfer na si Arip Nurhidayat sa kalagitnaan ng kompetisyon sa Men’s Longboard.

Dito ay umani ng papuri si Casugay sa Social Media, maging kay Indonesian President Joko Widodo.


Ipinatawag na rin si Casugay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang.

Samantala, si Wen Quah Zheng ng Singapore at Thi Ahn Vien Nguyen ay itinanghal bilang “Best Male and Female Mega Athletes” para sa paghakot ng medalya sa Swimming.

Facebook Comments