
Hindi katanggap tanggap para kay House Quad Comm Overall Chairman at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na may mga inosente na makukulong ng hanggang 40 taon habang nananatiling malaya ang mga totoong utak at nasa likod ng smuggling ng mahigit 12 bilyong pisong halaga ng ilegal na droga.
Sa ika-14 na pagdinig ng quad commitee ay pangunahing tinukoy ni barbers na hindi sapat ang ebidensya para makulong ang negosyanteng si Mark Taguba, gayundin ang bodegerong si Fidel Anoche Dee at dating Bureau of Customs employee Jimmy Guban na syang nagbunyag sa naturang ilegal drugs shipment.
Nagpahayag din ng pangamba si Barbers dahil ang dating prosecutor na si Aristotle Reyes ay na-appoint na RTC judge kahit na fall guys lamang ang mga naparusahan sa kasong hinawakan nito.
Bunsod nito ay nangako si Barbers na patuloy na kikilos ang quad comm para maisulong ang hustisya at maparusahan ang tunay na mga salarin sa operasyon ng ilegal na droga.