Hidilyn Diaz, binati ng buong hanay ng AFP matapos manalo ng gold medal sa 2020 Tokyo Olympics

112

Nagbubunyi at nagpaabot nang kanilang pagbati ang buong hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kay Hidilyn Diaz matapos na masungkit nito ang gold medal sa 2020 Tokyo Olympics.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Cirilito Sobejana, ang pagkapanalo ni Diaz ng gold medal sa Women’s 55 kilogram Category ng Weightlifting ay kauna-unahang panalo ng Pilipinas sa Olympics na karangalan hindi lang ng AFP kundi maging ng buong bansa.


Sinabi pa ni Sobejana ang pagkapanalo ni Diaz ay nakatulong sa hanay ng militar na mas maging inspirado, magsipag, magtyaga para magampanan ang kanilang mandato para sa bayan.

Si Hidilyn Diaz ay enlisted personnel ng Philippine Air Force (PAF) na may ranggong Sergeant.

Facebook Comments