Hidilyn Diaz, nag-post ng unang picture hawak ang olympic gold medal; mga kapwa atleta, nagpaabot din ng pagbati

185

Pinasalamatan ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang lahat mga suporta sa kanya matapos ang makasaysayan niyang tagumpay sa 2020 Tokyo Olympics.

Sa kanyang Instagram, nag-post si Hidilyn ng listrato hawak ang gold medal na may caption: “Thank You for praying.”


Bukod sa pagkuha ng gintong medalya sa Tokyo Olympics, silver medalist din siya sa 2016 Olympics sa Rio de Janeiro sa Brazil, at gold medalist sa 2018 Asian Games at 2019 Southeast Asian Games.

Binati rin si Diaz ng mga kapwa atletang si Margilyn Didal, EJ Obiena, at Kurt Barbosa.

Nagpaabot din ng pagbati si Philippine Airforce Commanding General Lieutenant General Allen Paredes at Defense Secrerty Delfin Lorenzana kay Diaz.

Facebook Comments