Hidwaan sa pagitan ni House Speaker Pantaleon Alvarez at Davao Del Norte Rep. Antonio Floirendo Jr., hindi pakikielaman ng Malakanyang

64

Manila, Philippines – Hindi panghihimasukan ng Malakanyang ang away nina
House Speaker Pantaleon Alvarez at ni Davao Del Norte Rep. Antonio
Floirendo Jr.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella – hindi pakikialaman ng
palasyon ang personal na away ng dalawang mambabatas.

Aniya, mas maiging ayusin na lang nina Alvarez at Floirendo ang hidwaan sa
kanilang dalawa sa pribadong usapan.

Pero kaugnay sa kasong isinampa ni Alvarez laban kay Floirendo, idaan na
lang daw sa due process at hayaan na ito sa Ombudsman.

Facebook Comments