HIGH-GRADE MARIJUANA | 5 estudyante sa Lucena City, timbog sa pagbebenta!

92

Lucena City – Arestado ang limang estudyante na nagbebenta ng high-grade marijuana sa Lucena City. Ang mga nadakip ay pawang edad 15 hanggang 17, high school at college students. Ayon kay Lucena City Police C/ Supt. Vicente Cabatingan – mga estudyante rin na nag-aaral sa mga pribadong paaralan ang parokyano ng mga suspek. Napag-alaman din na miyembro ng isang drug group sa Lucena ang lima na may sinusunod na sistema sa pagbebenta ng marijuana. Nasabat naman sa mga menor de edad ang 200 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P300,000.

Facebook Comments