High-tech hanger – naimbento ng kilalang technology company sa Japan

670

Japan – Isa na namang kakaiba at kapakipakinabang na imbensyon ang ibibida ng kilalang technology company sa Japan.

Ito ay ang Deodorant Hanger MS, isang uri ng high-tech hanger na kayang panatilihing plantsado ang damit at nakapagtatanggal pa ng body odor.

De-kuryente ang nasabing hanger at ang kailangan lang gawin ay isabit dito ang iyong damit sa loob ng lima hanggang pitong oras.


Sa September na ila-launch ang Deodorant Hanger MS at kada isa nito ay magkakahalaga ng 20,000 yen o katumbas ng siyam na libong piso.

Facebook Comments