High value drug personality sa Cebu, arestado matapos makuhaan ng ₱1.7 milyon halaga ng shabu

43

Huli ang isang high value drug personality sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine National Police (PNP) sa General Maxilom Avenue sa Barangay Zapatera, Cebu City.

Kinilala ni PNP Public Information Office Chief BGen. Rhoderick Augustus Alba ang naaresto na si Renevic “Dodong” Jao, 34 anyos na kabilang sa listahan ng police drug watchlist bilang high-value drug personality.

Sa operasyon ay nakuha ng mga pulis sa suspek ang 250 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱1.7 million.


Sa ngayon, nasampahan na ang suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 9165.

Kaugnay nito, nagsasagawa na ng follow-up investigation ang mga pulis para matukoy ang mga katransaksyon ng drug suspek.

Facebook Comments