High value drug suspect, arestado sa Aklan

38

Manila, Philippines – Arestado ang isa sa mga high value target sa ikinasang buy bust operation sa lalawigan ng Aklan.

Sa pinagsanib na pwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Kalibo PNP, kinilala ang inarestong si Richard Domagtoy, 38-anyos.

Narekober sa kanya ng mga otoridad ang walong sachet ng hinihilanang shabu at napag-alaman na nagsusuplay si Domagtoy sa bayan ng Kalibo, New Washington at isla ng Boracay.

Facebook Comments