High value individual, arestado matapos makuhaan ng ₱340,000 halaga ng shabu sa Cebu

59

Huli ang isang high value individual makaraang makumpiska sa kaniyang pag-iingat ang 340,000 halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis sa Cebu City.

Kinilala itong si Vincent Sison Gabucan Jr., alyas ‘Bisoy’, 22-anyos at residente ng Barangay Kalunasan, Cebu City.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office (PIO) Chief BGen. Rhoderick Augustus Alba, ikinasa ng mga tauhan ng Cebu City PNP ang operasyon sa Barangay Capitol Site, Cebu City.


Kung saan nakuha sa suspek ang anim na sachets at isang one knot-tied plastic pack na naglalaman nang hinihinalang shabu at may bigat na nasa 50 gramo at may estimate standard drug price na ₱340,000.00.

Sa ngayon, nanatili sa kustodiya ng PNP ang nahuling drug suspek para sa documentation at proper disposition.

Facebook Comments