High value individual arestado sa kalinga, dalawang libong gramo ng marijuana nasabat

Nasakote ng Philippine National Police Drug Enforcement Group ang isang High Value Individual sa Tabuk City, Kalinga.

Ayon kay PDEG OIC PCol. Rolando Cuya Jr. ikinasa ang buy bust operation kahapon, Feb.24, 2025 sa Purok 5, Brgy. Bulanao, Tabuk City, Kalinga na nagresulta sa pagkaka aresto sa isang alias “Kalis”.

Nakuha sa suspek ang 2000 gramo ng Marijuana na mayroong estimated Standard Drug Price na P240,000.00.


Naiturn over na ang suspek sa Tabuk police station kung saan nakatada itong sampahan ng paglabag sa R.A. 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments