High value target drug suspek, naaresto sa Bohol, P1-M halaga ng shabu, nakumpiska

97

Hinuli ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang high value target drug suspek sa Bohol at narekober ang ang isang milyong halaga ng shabu.

Kinilala ang naaresto na si Palawan Macaorog, 51 anyos, residente ng Brgy. Taloto, Tagbilaran City.


Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, naaresto si Macaorog sa Brgy. Taloto, Tagbilaran City kahapon sa pamamagitan ng search warrant na inisyu ng korte dahil sa kasong paglabag sa RA 9165.

Sa pag-aresto narekober sa suspek ang nasa 150 gramo ng shabu na may Dangerous Drugs Board value na P1,020,000.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Tagbilaran City Police Station habang ang mga nakuhang droga ay nasa Bohol Provincial Crime Laboratory para sa examination.

Facebook Comments