Highest trust at approval rating ng AFP, nanatili

Ikinatuwa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkamit ng pinakamataas na trust at approval ratings sa lahat ng ahensya ng gobyerno.

Batay ito sa huling survey ng Publicus Asia Inc, kung saan napanatili ng AFP ang 67 percent “approval rating” at 49 percent na pinakamataas na “high trust rating”.

Ang resulta ng 3rd quarter survey ng Publicus Asia ay mula sa 1,500 respondents.


Ayon kay AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala na ang resulta ng survey ay pagpapakita ng positibong pananaw ng publiko sa “accomplishment” ng AFP sa kanilang misyon.

Tiniyak ni Col. Zagala na ipagpapatuloy ng AFP ang pag-ganap ng kanilang tungkulin na naka-sentro sa “honor, service at patriotism”, sa pagsulong ng kanilang mandato na pangalagaan ang mga mamayan at ang estado.

Facebook Comments