Higit ₱1-M halaga ng iligal na droga, nasabat sa Taguig City

49

Aabot sa ₱1,360,000 na halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga awtoridad sa Taguig City.

Sa imbestigasyon, ikinasa ng Taguig City Police Station Drug Enforcement Unit ang buy-bust operation laban sa suspek na si Akmad Sumlay, 30-anyos, isang driver.

Partikular sa Roldan Street, Purok 2 Brgy. New Lower Bicutan sa Taguig City.


Nasa limang sachet ng shabu na may bigat na 200 gramo ang nakumpiska sa suspek.

Nabatid na si Sumlay ay isa sa mga higih value target ng Taguig City Police kung saan matagal na nilang minamanmanan ito hanggang sa masakote sa ikinasang operasyon.

Inaalam na sa ngayon kung sino ang source ni Sumlay ng iligal na droga ang kung anong grupo ng sindikato ito nabibilang lalo na’t malakihan kung magsagawa ito ng transaksyon.



Facebook Comments