Higit ₱100 million halaga ng iligal na droga, nasabat sa Maynila

91

Umaabot sa ₱102 million halaga ng shabu ang nasabat sa buy-bust operation na ikinasa sa Malate, Maynila.

Arestado ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) katuwang ang MPD ang dalawang Chinese nationals na kinilalang sina Bin Hu, 42-anyos at Jiankang Liang, 40-anyos.

Isinagawa ang operasyon sa may bahagi ng CCP Bay Terminal Parking Lot na sakop ng Brgy. 720.


Nakumpiska ng PDEA ang 15 kilong shabu na nakasilid sa Chinese tea bag kung saan nakakarga ito sa isang SUV na ginamit ng mga suspek.

Inaalam na ng mga tauhan mg PDEA kung saan galing at sino ang source ng mga suspek ng iligal na droga.

Mahaharap naman ang dalawang Chinese sa kasong paglabag sa republic act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Facebook Comments