Higit ₱2.1M halaga ng marijuana, nasabat sa buy bust operation sa Brgy. Malabanias, Angeles City, Pampanga

94

Umaabot sa ₱2.1 milyong halaga ng marijuana ang nasabat sa buy-bust operation sa Barangay Malabanias, Angeles City, Pampanga.


Personal na ipinakita ni Angeles City Police Office (ACPO) Director, Police Col. Joyce Patrick Sangalang kay Angeles City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr. ang mga nakumpiskang marijuana bricks na may bigat na 24.4 kilograms.

Ayon pa sa ulat ng ACPO, apat na katao ang nadakip sa kanilang operasyon kabilang ang isang 17-anyos na babae.

Ayon kay Mayor Lazatin, bahagi ito ng kanyang kampanya para maging drug-cleared ang Angeles City sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

Facebook Comments