Higit ₱3-M halaga ng shabu, nakumpiska ng mga otoridad

91

Arestado ng mga otoridad ang isang 26 na taong gulang na lalake mula sa Cebu City makaraan ang ikinasa nilang drug buy-bust operation kahapon.

Kinilala ng mga otoridad ang suspek na si Melvin Arnado na target ng anti-illegal drug operation sa Barangay Carreta.

Nakumpiska ng mga otoridad mula kay Arnado ang nasa ₱3.4 million halaga ng shabu.


Samantala, sinabi naman ni Philippine National Police (PNP) OIC Lt. Gen. Vicente Danao Jr., na inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002 laban sa suspek.

Facebook Comments