Higit ₱400,000 halaga ng shabu, nakumpiska sa Cebu

36

Nasamsam ng mga awtoridad ang ₱442,000 na halaga ng iligal na droga mula sa dalawang suspek matapos ang ikinasang operasyon sa Cebu City.

Kinilala ni Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge Police Lt. Gen. Vicente Danao Jr., ang mga suspek na sina Romenor Piañar Villamor alyas Meno at Charisse Kristine Madrid.

Nahuli sina Villamor at Madrid ng mga operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit 7 sa Bliss, Barangay Labangon.


Nakuha sa nasabing operasyon ang 13 sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 65 gramo.

Nasa kustodiya na ngayon ng RPDEU7 ang mga naarestong suspek at ang mga nakumpiska ng ebidensya para sa dokumentasyon at tamang disposisyon kung saan inihahanda na rin ang mga kaso laban sa mga ito.

Facebook Comments