Higit ₱5M halaga ng ilegal na droga, nasabat ng PNP sa Cavite

82
Photo Coutesy: Philippine National Police Facebook Page

Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang isang 40 years old na drug suspek na kinilala na si Joel Saut, residente ng Amadeo, Cavite.

Ayon kay PNP Public Information Office chief Police Brigadier General Roderick Augustus Alba nitong Sabado nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib pwersa ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Dito naaresto ang suspek kung saan nakuha sa kanyang pag-iingat ang 765 gramo ng shabu na may street value na ₱5.2 million


Sa ngayon, nasa kustodiya na ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) ang suspek para sa documentation and proper disposition.

Inihahanda narin ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.

Facebook Comments