Higit ₱8-B na tax evasion case, isinampa ng BIR kontra sa mga nagnenegosyo ng vape na hindi nagbayad ng buwis

Nagsampa ng kasong kriminal ang Bureau of Internal Revenue o BIR sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga ilegal na vape businesses na may tatak na Flava, Denkat, at Flare dahil sa hindi pagbabayad ng halos 8.7 bilyong piso na buwis.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., hindi nagbayad ng tamang excise tax at nagkulang sa pag-file ng tax returns ang mga kumpanyang sangkot dito.

Binalaan din ni Lumagui ang mga negosyante at maging mga celebrity endorsers na kakasuhan kung matutuklasan sangkot sa iligal na vape trading.

Kasama sa isinampang kaso ang paghabol sa halos siyam na bilyong pisong buwis at multa na hindi pa nababayaran.

Giit ng BIR, tuloy-tuloy ang kanilang kampanya laban sa ilegal na vape sa bansa kung saan parte ito ng kanilang kampaniya upang mapanagot ang mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Facebook Comments