Higit 1.5 milyong Pilipino, fully vaccinated laban sa COVID-19 – NTF

24

Umabot na sa 1,544,332 na indibidwal ang nakakumpleto na o fully vaccinated na ng COVID-19 vaccine.

Sa tala ng Department of Health (DOH) at National Task Force Against COVID-19 hanggang nitong June 6, 2021, kabuuang 5,965,651 na ang nabakunahan laban sa nakakahawang sakit.


Sa nasabing bilang, 4,421,319 ang nabigyan ng first dose habang 1,544,332 naman ang naturukan ng second dose.

Nasa 112,621 naman ang average ng daily vaccinated individuals sa nakalipas na pitong araw.

Patuloy namang hinihikayat ng gobyerno ang mga kabilang sa A1 hanggang A3 priority groups na magpabakuna na.

Facebook Comments