
Umaabot sa 13 party-list group ang nabigong maghain ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Commmision on Elections (Comelec) matapos ang 2025 Midterm Elections.
Sa datos ng Comelec, mula sa 154 na tumakbo nitong halalan, nasa 141 na party-list lang ang nagpasa ng SOCE kahapon, Hunyo 11.
Base pa sa Comelec, naghain na rin ng SOCE ang nasa 61 mula sa 64 na kumandidato sa pagka-senador.
Nasa 25 mula sa 28 na political party naman ang naghain na rin ng kanilang SOCE
Kaugnay nito, posibleng mapatawan ang mga hindi nagpasa ng SOCE ng multang P1,000 – P30,000 sa unang paglabag.
Nasa P2,000 – P60,000 naman at perpetual disqualification sa anumang posisyon sa pamahalaan kung nakadalawang beses o higt pa na hindi pagpapasa ng SOCE.