Higit 100 aplikante, nagtungo sa exclusive job fair ng Jolly Management at Radyo Trabaho ng DZXL RMN Manila sa Taguig

40

Maraming job seekers ang nakipagsapalaran at nagbakasakaling makahanap ng trabaho sa ginanap na exclusive job fair ng Jolly Management Solutions Inc., katuwang ang Radyo Trabaho ng DZXL RMN Manila bilang official radio partner.

Sa Radyo Trabaho booth, umabot sa 49 na aplikante ang nagpatala na siyang tutulungan ng DZXL 558 RMN Manila na mahanapan ng trabaho.


Nasa halos 30 naman ang na-‘hire on the spot’ ng iba’t-ibang kumpanya habang ang iba ay pumasa sa initial screening at pinaghahanda sa final interview.

Sa kabuoan, umabot sa higit 100 aplikante ang pumunta sa job fair.

Maliban sa job fair, nag-alok din ng libreng massage, eye and oral check-up at libreng pagupit sa mga pumunta.

Ang job fair ay isinagawa sa Vista Mall, Taguig City kahapon.

Facebook Comments

From Advertisers