Higit 100 barangay sa lungsod ng Pasay, COVID-19 free na

32

Nasa higit 100 na barangay sa lungsod ng Pasay ang itinuturing ngayon na COVID-19 free na.

Sa inilabas na datos ng Pasay-LGU, 171 na barangay ang wala nang naitatalang kaso ng COVID-19.


Kaugnay nito, 42 na lamang ang naitatalang aktibong kaso ng virus sa lungsod kung saan ang Barangay 183 ang may mataas na bilang na nasa 5.

Umaabot naman sa 13,972 ang bilang ng gumaling sa COVID-19 habang nasa 387 ang nasawi.

Ang kabuuang bilang naman ng kumpirmadong kaso sa lungsod ng Pasay ay nasa 14,401.

Sa kabila ng bumababang kaso at ilang COVID-19 free barangay, nananawagan pa rin ang lokal na pamahalaan ng kooperasyon at pakikiisa ng lahat upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod ng Pasay.



Facebook Comments