Higit 100 gramo ng iligal na droga, nasabat sa buy-bust operation sa Sta. Cruz, Maynila

57

Nasa 127 gramo ng hinihinalang shabu ang nasabat ng Manila Police District (MPD) Station 3 sa kanilang ikinasang buy-bust operation sa Sta. Cruz, Maynila.

Kaugnay nito, nasa 4 na suspek ang naaresto sa naturang operasyon na nangyari pasado ala-1:00 ng madaling-araw kanina sa may bahagi ng Rizal Avenue sa Tayuman Street ng Barangay 331.


Nakilala ang mga naaresto na sina Ramil Gamboa, Reden Crisostomo, Lester Cezar at Sherwin Gloria.

Nabatid na ang mga nasabat na iligal na droga ay nagkakahalaga ng nasa higit P800,000.

Base pa sa impormasyon ng Sta. Cruz Police Station, nakumpiska rin sa operasyon ang isang unit ng taxi at isang motorsiklo na ginamit ng mga suspek.

Tatlo sa mga naarestong suspek ay mga residente ng Quezon City habang si Gloria ang siyang contact nila sa Maynila.



Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek at inaalam na rin kung sino ang source nila ng iligal na droga.


Facebook Comments