Higit 100 pamilya sa Quezon City, mabibigyan ng mga regalo sa “Makakarating Ngayong Pasko; the RMN Christmas Thanksgiving activity”

34

Sanib-pwersa ngayong araw ang DZXL 558 Radyo Trabaho, 93.9 iFM Manila at DWWW 774 Your Ultimate Newsic Radio sa pamamahagi ng regalo sa mga mahihirap nating kababayan sa Quezon City.

Handog pa rin ito ng proyektong “Makakarating Ngayong Pasko; The RMN Christmas Thanksgiving Activity”.

Sa pangunguna ng RMN Foundation INC., pupunta mamayang hapon ang aming grupo sa, Barangay Payatas covered court Bulacan Street sa nabanggit na lungsod.


Mahigit isang daang pamilya ang ating pasasayahin ngayong araw kung saan mamamahagi tayo ng bigas at noche buena package.

Ang “makakarating ngayong pasko; the RMN Christmas Thanksgiving Activity” ay hatid ng RMN Networks, RMN Foundation Inc, 93.9 iFM, DZXL 558 Radyo Trabaho at DWWW 774 Your Ultimate Newsic Radio.

Facebook Comments