Higit 100 tao, patay sa pagsabog ng tumagilid na oil tanker sa Pakistan

151

Pakistan – Umabot na sa 148 ang patay matapos ang pagsabog ng isang oil tanker sa Pakistan.

Karamihan sa mga nasawi ay lumapit sa oil tanker nang sumiklab ang apoy sa gasolina na natapon mula sa tangke.

Sa ulat, bumaliktad ang oil tanker nang magtangka itong umikot sa isang highway.


Tumagal ng dalawang oras bago maapula ng mga bumbero ang apoy.

Inaasahan na tataas pa ang bilang ng mga nasawi sa insidente.

Samantala, nagpaabot naman ng pakikisimpatya si Prime Minister Muhammad Nawaz Sharif sa mga biktima ng insidente.



Facebook Comments