Higit 1,000 Pamilya , Naabutan ng tulong sa ikinasang ‘ProjectPAGKALINGA ng Sta. Catalina

28

Cauayan City, Isabela- Napagkalooban ng tulong ang mga pamilya mula sa 9 barangay ng lungsod ng Ilagan sa isinagawang relief operation ng Sangguniang Kabataan ng Sta. Catalina.

Ayon kay SK Chairman Melvin Adurable, umabot sa kabuuang 1,055 pamilya ang nabahaginan ng tulong sa ikinasang donation drive campaign sa mga nasalanta ng nagdaang kalamidad.


Aniya, paraan nila ito upang kahit papaano ay maipaabot ang tulong sa mga pamilyang salat sa pagkukunan ng makakain dahil sa biktima sila ng malawakang pagbaha.

Kaugnay nito, nagpasalamat din ito sa mga taus-pusong nagpaabot ng kanilang tulong mula sa ilang grupo sa iba’t ibang panig ng bansa.

Bukod dito, inihahanda na rin ng grupo ni Adurable ang ‘Pamaskong Handog’ sa mga pamilya upang maramdaman pa rin nila ang diwa ng kapaskuhan sa harap ng nararanasang pandemya dulot ng COVID-19.

Facebook Comments