Higit 11 milyong doses ng COVID-19 vaccines, matatanggap ng Pilipinas ngayong buwan – Galvez

38

Inaasahang makakatanggap ang Pilipinas ng nasa 11.058 million doses ng COVID-19 vaccines ngayong buwan.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., kinabibilangan ito ng 4.5 million doses ng CoronaVac mula sa Sinovac Biotech, isang milyong doses ng Sputnik V vaccines, 2.28 million doses ng Pfizer sa pamamagitan ng COVAX facility.


May darating din na 250,000 doses ng Moderna vaccines na binili ng pribadong sektor, at 2.028 million doses ng AstraZeneca sa pamamagitan ng COVAX facility.

Sa Hulyo, may darating na 10.67 million doses ng COVID-19 vaccines na binubuo ng 4.5 million doses ng Sinovac, isang milyon doses ng Moderna, 1.17 million doses ng AstaZeneca, 1 million doses ng Sputnik V, at tatlo hanggang apat na milyong doses ng Pfizer o AstraZeneca sa ilalim ng COVAX facility.

Nasa 17 milyong doses ang darating naman sa Agosto.

Facebook Comments